Home NATIONWIDE Pagiging ‘tikom’ ng PSC sa banta sa kanyang buhay kinuwestiyon ni VP...

Pagiging ‘tikom’ ng PSC sa banta sa kanyang buhay kinuwestiyon ni VP Sara 

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang “katahimikan ” ng Presidential Security Command (PSC) sa death threats laban sa kanya, sa kanyang pamilya, at Office of the Vice President (OVP) personnel na umano’y natanggap ng mga ito.

Sa isang kalatas, inalala ni VP Sara kung paano ang Vice President Security and Protection Group (VPSPG) ay inilipat sa ilalim ng PSC, at inimpluwensyahan ng Office of the President (OP), nang magbitiw mula sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo.

Bagama’t hindi idinetalye ang “documented threats” na umano’y kanyang natanggap, nagpahayag naman ng pagkabahala si VP Sara na pinabayaan ng PSC ang kanyang seguridad-.

“Presuming the PSC is still a non-partisan professional organization, why is the command eerily quiet on the documented threats to me, my family and OVP personnel. The silence is then proof that the inclusion of VPSPG in the PSC is clearly to undermine my security and nothing else,” aniya pa rin.

Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos paigtingin ng PSC ang seguridad ni Pangulong Marcos sa gitna ng banta ng bise presidente na nag-hire umano siya ng assassin para ipatumba ang Chief Executive, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinatay.

Tinuran pa ng PSC sa isang kalatas noong Nobyembre 23 na “Any threat to the life of the President and the First Family, regardless of its origin—and especially one made so brazenly in public—is treated with the utmost seriousness.”

“We consider this a matter of national security and shall take all necessary measures to ensure the President’s safety,” dagdag na wika nito.

Kung matatandaan, ang VPSPG ay nilikha noong Hunyo 2022 para sa proteksyon ni Sara Duterte matapos na siya at si Marcos ay nanalo noong 2022 polls.

Nilikha ito para sa hiwalay na unit mula sa PSC at naging Armed Forces of the Philippines (AFP) wide support “with a corresponding AFP table of personnel and equipment.”

“A move to distinguish the security of the Vice President and make it independent,” ang sinabi ni VP Sara.

Gayunman, nananatili naman si VP Sara sa ‘hot water’ ukol sa paggamit ng OVP ng confidential funds, na sa ngayon ay hinihimay ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Nang ang kanyang chief-of-staff, na-cite in contempt si OVP Undersecretary Zuleika Lopez, at idinitine matapos ang Nov. 21 hearing para sa kanyang “undue interference,” ang sinabi ni VP Sara sa kanyang Zoom press conference.

Sa nagsabi pa ring press conference, ibinahagi nito ang kanyang naging pakikipag-usap sa isang hitman para itumba ang First Couple at Romualdez kapag may nangyari sa kanya.

Subalit matapos paigtingin ng PSC ang seguridad ni Pangulong Marcos, sinabi ni VP Sara na nakatanggap din siya ng death threats. Kris Jose