Home METRO Mga tao dagsa sa Edsa Shrine sa ‘di malamang dahilan

Mga tao dagsa sa Edsa Shrine sa ‘di malamang dahilan

MANILA, Philippines- Naglabas ng paalala sa publiko ang rector ng shrine of Mary, Queen of Peace, Our Lady of Edsa (Edsa shrine) na sumunod sa tamang decorum at irespeto ang pagbisita sa banal na lugar kasabay ng pagdagsa ng tao sa historic church Martes ng umaga.

Sa abiso, sinabi ni Rev. Fr. Jerome Secillano na daan-daang tao ang dumating sa EDSA Shrine simula alas-6 ng umaga na sila lamang ang nakakaalam ang dahilan.

Ayon kay Secillano, pinahihintulutan sila sa loob ng shrine at dumalo sa selebrasyon ng 7 o’clock mass sa umaga.

Itinatag ang EDSA Shrine noong Disyembre 1989 bilang dedikasyon kay Maria, reyna ng kapayapaan na pinaniniwalaang naging bahagi ng mapayapa at “bloodless” People Power Revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1986.

Tinutukoy ni Secillano bilang “Holy Ground” matapos ang panibagong mapayapang people power na naganap sa Edsa noong Enero 2001.

Sinabi ni Secillano na ang mga tao ay hindi pinapayagang kumain, uminom, magdala ng slogans, sumigaw, mag-vlog, matulog, mag-ingay at magdebate.

Hindi rin sila pinapayagang magkalat sa lugar.

Nanatili naman aniyang normal ang operasyon ng shrine at nanalangin na ang pagdami ng mga nagsisimba ay haharapin nang may sukdulan na kahinahunan at pagiging disente. Jocelyn Tabangcura-Domenden