MANILA, Philippines- Iginiit ni Vice President Sara Duterte nitong Martes na sang-ayon siya sa “assumption” ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na isang drug addict si Pangulong Ferdinand Marcos “Bongbong” Marcos Jr.
“I agree with fractured governance. I agree with the assumption that he’s a drug addict because he continuously refuses to do a drug test,” ani Duterte sa ambush interview sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.
Ito ang reaksyon ng Bise Presidente sa pahayag ng nakatatandang Duterte na tinawag si Marcos na isang drug addict at hinamon ang militar na protektahan ang Konstitusyon.
“Hanggang kailan kayo mag suporta ng drug addict na presidente?” ani dating Pangulong Duterte sa isang press conference nitong Lunes.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Palasyo ukol sa pahayag ni Vice President Duterte. RNT/SA