Home NATIONWIDE Pagpatrolya ng PH military sa WPS patuloy

Pagpatrolya ng PH military sa WPS patuloy

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Navy nitong Martes na nananatiling banta ang presensya ng Chinese vessels matapos magsagawa ang militar ng 54 aktibidad sa West Philippine Sea (WPS) nitong Nobyembre.

Sa isang press briefing, tinanong si Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kung mayroong nakababahalang aksyon ang mga sa mga aktibidad ng militar sa lugar.

“The presence of the maritime militia, the [People’s Liberation Army Navy], and the Coast Guard, which has been there for quite some time, is a continuing threat,” wika ni Trinidad.

“We have monitored them. We are tracking them. They are an existential threat,” dagdag niya.

Sa kabila ng presensya ng China, sinabi ni Trinidad na ipagpapatuloy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasagawa ng mandato nito sa pagprotekta sa WPS.

Ani AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, mula Nov. 1 hanggang 25, nakapagsagawa ang Philippine Navy at Air Force ng 54 “successful” patrol missions.

“These operations include three sealift missions, 13 maritime patrols or sovereignty patrols or the MARPAT or SOVPAT, one maritime surveillance patrol or MARSUVPAT, and one search and rescue operation, and one rotation and resupply mission to our naval vessels,” pahayag ni Padilla.

“Meanwhile, our Naval and Air Force aircraft executed four maritime air surveillance or intelligence surveillance and reconnaissance operations along with 30 maritime patrols, and one search and rescue operation,” dagdag niya.

Patuloy ang tensyon sa pag-angkin ng Beijing sa halos kabuuan ng South China Sea sa kabila ng pagpabor ng international arbitration tribunal sa Hague sa Pilipinas noong 2016 sa  pagsasabing ang claim ng China sa South China Sea ay walang legal na basehan.

Patuloy naman ang pagbalewala ng China sa desisyong ito. RNT/SA