MANILA, Philippines- Hindi katanggap-tanggap na patalsikin ang isang presidente sa pamamagitan ng pagpatay, pag-uudyok ng pag-aalsa, o pagpapasimuno ng kaguluhan upang maagaw ang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ito ang inihayag ng Malacañang hinggil sa mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Marcos sa umano’y pagtatangka ni Duterte na mailuklok ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte bilang Pangulo.
“Hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa,” giit ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Martes.
Ani Bersamin, “wait for the right time, follow the proper method.”
Wika pa ng Palace official: “No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over.”
“And he will go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed,” dagdag niya.
“The former president should respect the Constitution, not disobey it. He should desist from being as irresponsible as he has become.”
Binigyang-diin pa ng Executive Secretary na “administration will not shirk from its sworn duty to govern and manage the affairs of the Filipino Nation according to the Constitution and the Rule of Law.”
“It will defend its legacy before the Filipino People only by lawful means. The state will act resolutely to go against all unlawful attempts and challenges,” giit ni Bersamin.
Sa isang press conference nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Duterte na “there is a fracture in the government” at tanging militar lamang umano ang makapagtatama rito.
Kasunod ito ng palitan ng pahayag ng Bise Presidente at ni Marcos sa umano’y death threat ng una sa Pangulo nitong weekend dahil sa takot para sa sarili niyang seguridad. RNT/SA