Home HOME BANNER STORY Pagkadawit sa ‘missing sabungeros’ itinanggi ni Ang; whistleblower kakasuhan

Pagkadawit sa ‘missing sabungeros’ itinanggi ni Ang; whistleblower kakasuhan

319
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ng kampo ni Charlie “Atong” Ang ang mga paratang ni Julie “Dondon” Patidongan kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero noong 2021.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, tinangkang kikilan ni Patidongan si Ang at mga miyembro ng board ng halagang ₱300 milyon.

“I think all the statements are lies,” ani Kapunan sa pahayag sa GMA Integrated News.

“They’re false. And I think it did come at a time when it became evident to him that Mr. Atong Ang was not going to give in his extortion of P300 million, which he also tried, attempted to several members of the board,” dagdag pa niya.

Lumabas lang umano si Patidongan nang mabigo ang tangka at nalaman niyang kakasuhan siya.

Binatikos ni Kapunan ang kredibilidad ni Patidongan, binanggit ang mga dati nitong kaso ng frustrated murder at robbery.

Nakatakdang magsampa ng reklamo ang kampo ni Ang sa Huwebes sa Mandaluyong Prosecutor’s Office para sa attempted robbery, grave threat, coercion, at paninirang puri.

Una nang sinabi ni Patidongan na sina Ang, Eric Dela Rosa, at Engr. Celso Salazar ang nasa likod ng mga pagdukot, at alam umano ito ni aktres Gretchen Barretto. Ibinunyag din niyang inalok siya ni Ang ng ₱300 milyon kapalit ng paglagda sa recantation ngunit tinanggihan niya ito.

Tiwala naman ang kampo ni Ang sa imbestigasyon ng DOJ at sinabing bukas silang makipagtulungan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here