Home NATIONWIDE Pagkakaisa sa ilalim ng bagong Santo Papa, ipinanawagan ng Archdiocese of Manila

Pagkakaisa sa ilalim ng bagong Santo Papa, ipinanawagan ng Archdiocese of Manila

291
0

MANILA, Philippines – Ipinanawagan ng Archdiocese of Manila sa lahat ng mananampalataya ang sama-samang panalangin at pagsuporta kay Pope Leo XIV na bagong Santo Papa.

Si Pope Leo XIV, bago naging santo papa, ay naglingkod si Cardinal Prevost bilang prefect ng Dicastery for Bishops na responsable sa pagpili ng mga itatalagang pari sa mga diyosesis ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

Ilang beses na rin siyang bumisita sa Pilipinas para sa mga aktibidad sa Simbahan: noong 2000 sa Cebu, 2008 para sa pagbabasbas ng imahe ng Sto. Niño, at noong 2010 sa Maynila.

Wala namang ibang kahilingan ang mga mananampalataya sa bagong santo papa kundi ang maipagpatuloy niya ang adhikain ng yumaong Pope Francis at magkaroon ng mabuting kalusugan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here