AKLAN- Mariing itinanggi ng gobernador ng Aklan na si Joeben Miraflores, ng Tibyog Party, ang pagkakasangkot sa alegasyong may kinalaman sa pagpatay sa dating OIC mayor at beteranong mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang.
Sa ginanap na press conference noong Biyernes ng umaga, Mayo 9, 2025, pinabulaanan ng grupo ang anumang kinalaman sa naturang krimen at wala umano silang dahilan para gawin ito kay Dayang.
Inilarawan ni Miraflores si Dayang na isang matalik na kaibigan at madalas itong nagbibigay sa kanya ng payo pagdating sa usaping politika.
Nangako naman ang partidong Tibyog na magiging mapayapa at patas ang halalan sa Aklan at kinondena ang pagpatay kay Dayang, isang respetadong pigura sa industriya ng lokal at pambansang media.
Matatandaang si Dayang, 89, ay pinaslang noong Abril 29, 2025 sa loob ng bahay nito sa Aklan.
Hindi rin inaalis ng kaanak ng biktima na posibleng may kinalaman sa negosyo ang nasabing krimen. Mary Anne Sapico