Home ENTERTAINMENT Sheryl, emosyunal sa nakuhang award!

Sheryl, emosyunal sa nakuhang award!

Manila, Philippines- Dahil sa pagiging mahusay niyang aktres, pinarangalan si Sheryl Cruz bilang Distinct Best TV Actress of the Year, sa awarding ceremony ng Philippines Distinct Men and Women of Excellence.

Siyempre pa, happy and proud si Sheryl sa recognition na natanggap niya mula sa nasabing award-giving body, na ang President/CEO ay si Direk Romm Burlat.

Narito ang bahagi ng accepatance speech ni Sheryl.

“To my fellow awardees, congratulations! Inihahandog ko ho ito, unang-una sa lahat sa Poong Maykapal. Pangalawa, sa mga minamahal ko sa buhay, lalo na ‘yung mg yumao na.

“Sa aking anak na si Ashley. Sa yaya ko si Nanay Doray, sa lahat ng aming mga kasambahay.

“Inihahandog ko rin po ito sa mga kaibigan kong minamahal,pati na rin sa aking mga tagahanga,hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo dahil sa inyong walang sawang pagsubaybay sa lahat ng ginagawa ko sa aking karera.

“At huling-huli sa lahat, aking inihahandog ang award ko sa taong ito, sa aking minamahal na manager, walang iba, si Rams David.

“At hindi ko makakalimutan ang pamilya ko sa showbiz industry, sa GMA 7 network. At ang pamilya ko sa Lilet Matias, Attorney-at-law, na pinangungunahan ni Miss Jo Berry. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta.”

Congratulations Sheryl! Rommel Placente