MANILA, Philippines- Itinanggi ni Pangasinan lawmaker aspirant Gilbert Estrella ang alegasyong sangkot siya sa vote-buying, at sinabing handa siyang harapin ang akusasyong ibinabato sa kanya.
Giit ni Estrella, wala siyang itinatago o ginagawang mali at ilegal.
Ang pahayag ni Estrella ay matapos umapela si Pangasinan 6th District Rep. Marly Primicias -Agabas sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang umano’y vote-buying sa kanilang probinsya.
“Numerous reports of district-wide massive and unabated vote buying at P3,000 per voter operated by the leaders and supporters of Gilbert Estrella have reached my office particularly in (the municipalities of) Rosales, Balungao, and Asingan,” ayon sa liham ni Asingan.
Sinabi pa ni Asingan na handa ang mga complainant na magbigay ng kanilang affidavit dahil sila ay napapailalim rin sa harassment at terrorism.
Samantala, binigyang-diin ni Estrella na hindi siya nagsasalita laban o patungkol sa kanyang katunggali.
Sa halip, sinabi ni Estrella na bilang paggalang at mas nakababata ay pinili niyang maging isang magandang ehemplo na dapat sana’y sila umanong mga nakatatanda at matagal na sa pwesto ang unang gumagawa.
Kinumpirma naman ng Comelec na ang liham ni Estrella ay nai-forward na sa Committee on Kontra Bigay ng komisyon na siyang titingin sa kaso ng umano’y vote-buying, vote selling at abuse of state resources (ASR). Jocelyn Tabangcura-Domenden