Home NATIONWIDE Pagkalap ng titser na may dual citizenship, ikokonsulta ng Senado sa CSC

Pagkalap ng titser na may dual citizenship, ikokonsulta ng Senado sa CSC

MANILA, Philippines – Ikokonsulta ng Senado sa Civil Service Commission (CSC) ang planong pagkalap ng titser na may dual citizenship na taliwas sa memorandum circular ng ahensiya noong 2016 na nagbabawal sa ganitong sistema.

Ipinalutang ito ni Commission on Higher Education chairperson J. Prospero de Vera III sa ginanap na pagdinig ng Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes hinggil sa pagbabago sa economic provision ng 1987 Constitution.

Alinsunod sa itinakdang memorandum na ipinalabas ng CSC noong 2016, ayon kay de Vera, mahigpit na ipinagbabawal na maitalaga sa gobyerno ang sinumang may dual citizenship maliban kung tatalikuran nito ang kanyang foreign citizenship.

Ginagamit ang patakaran na ito, ayon pa kay de Vera, sa sinumang propesor na gustong magturo sa state universities and colleges (SUCs).

“I’d like to inform the committee that even if you teach in a state university or college, dual citizenship is not allowed. The Civil Service [Commission] requires you that you have to give up your citizenship to be able to teach and to be appointed in a state university or college,” ayon kay de Vera.

Dahil dito, inihayag ni Senador Sonny Angara, na nanguna sa pagdinig, na kanyang kokonsultahin ang CSC sa naturang patakaran na lubhang makakaapekto sa liberalisasyon ng higher education.

“I understand the spirit of this law but maybe medyo baka ma-hold tayo dito sa ganitong klaseng pag-iisip,” ayon kay Angara.

“I think the spirit is to ensure allegiance only to one country but that kind of thinking is I think a product of a different world, a world where nationality is very important,” dagdag niya.

Sinabi ni Angara na base sa umiiral na sistema, magkakaroon ng mas maraming benepisyo sa migration tulad nang ginawa ng kilalang scientist Albert Einstein na nagtungo sa United States.

Ayon naman kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na nakatakda sa Philippine Constitution, na nananatiling Filipino ang sinumang Pinoy na may dual citizenship.

“Meron pa tayong Balik (Returning)-Scientist Program na most likely kunwari naka-10 to 20 years na sa ibang bansa yun, baka dual citizen na. Bumalik siya dito tapos ano? Di siya pwedeng magturo,” ayon kay Pimentel.

Matapos maipalabas ang Memorandum Circular (MC) No. 23 noong 2016, nagpalabas muli ang CSC ng MC 8 sa sumunod na naglilinaw sa sakop ng dating MC na tanging “natural-born Filipino citizens who were naturalized in another country, and later on reacquired their Filipino citizenship.”

“Therefore, Filipino citizens whose foreign citizenship was acquired by birth is not covered by CSC MC 23, s. 2016,” ayon sa memo. Ernie Reyes

Previous articleQ1 nat’l quake drill itinakda sa Marso 25 – OCD
Next articlePagbangga ng CCG sa barko ng Pilipinas, kinondena ng US