Home NATIONWIDE Q1 nat’l quake drill itinakda sa Marso 25 – OCD

Q1 nat’l quake drill itinakda sa Marso 25 – OCD

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Office of Civil Defense (OCD) ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa first quarter ng taong kasalukuyan, ay itinakda sa Marso 25.

Sa Facebook post, nanawagan ang ahensya sa publiko na lumahok sa drill na itinakda alas-9 ng umaga sa pagsasagawa ng duck, cover and hold.

Hindi pa inaanunsyo ang venue at earthquake scenario sa paparating na NSED.

Ang NSED ay isang quarterly exercise para ipakalat ang earthquake awareness at kahandaan ng publiko para rito.

“It also aims to strengthen the preparedness of local government units in the event of a strong ground shaking and its secondary hazards like fire, tsunami, and liquefaction,” ayon sa OCD.

Kamakailan ay nanawagan si National Disaster Risk Reduction and Management Council chair, Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sa publiko na seryosohin ang NSED.

Iginiit niya ang kahalagahan ng kahandaan upang mas marami pang buhay ang maligtas at makaresponde ng mabilis sa pangangailangan ng komunidad. RNT/JGC

Previous articleHalos P1M shabu nasamsam sa operasyon sa Rizal, Cavite at Naga
Next articlePagkalap ng titser na may dual citizenship, ikokonsulta ng Senado sa CSC