Home METRO Halos P1M shabu nasamsam sa operasyon sa Rizal, Cavite at Naga

Halos P1M shabu nasamsam sa operasyon sa Rizal, Cavite at Naga

MANILA, Philippines – Halos P1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Rizal, Cavite at Naga City.

Sa ulat, tatlong tulak ang naaresto nitong Martes, Marso 5, at Miyerkules, Marso 6 sa buy-bust operations sa Rizal at Cavite.

Kinilala ng Region 4A police ang isa sa nahuli na si alyas “Jober” sa San Mateo, Rizal.

Si Jober ay high-value target na nakuhanan ng 26 plastic sachet ng hinihinalang shabu at may timbang na 76.9 gramo. Nagkakahalaga ito ng P522,920.

Nakuha rin mula sa suspek ang caliber .9mm pistol na kargado ng apat na bala. Napag-alaman din na wala itong permit.

Sa Bacoor City, Cavite naman, arestado sina “Crystalyn” at “Erick” sa operasyong isinagawa 12:15 ng madaling araw sa Barangay Queens Row East.

Nakuha sa dalawa ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at illegal na .38 na baril na may dalawang bala.

Samantala, nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P442,000 shabu sa dalawang hinihinalang tulak sa magkahiwalay na operasyon sa Naga City, Camarines Sur.

Ang hindi pinangalanang 53-anyos ay nakapagbenta ng sachet ng shabu sa isang undercover police na nagkakahalaga ng P13,000 sa Barangay Cararayan.

Matapos nito, nakuhanan pa ang suspek ng kabuuang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.

Naaresto rin sa operasyon sa Barangay Sta. Cruz ang 26-anyos na lalaki na nakuhanan ng pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleMga anak ni Dolphy, sustentado pa rin!
Next articleQ1 nat’l quake drill itinakda sa Marso 25 – OCD