Home ENTERTAINMENT Mga anak ni Dolphy, sustentado pa rin!

Mga anak ni Dolphy, sustentado pa rin!

Manila, Philippines – Kahanga-hanga ang sense of preparedness ng yumaong King of Comedy na si Dolphy.

Marami kasing untold truths ang nalaman ng publiko sa interview ni Ogie Diaz kay Eric Quizon.

It’s been 11 long years since Dolphy left this mortal world.

Nawala man siya, his memory lives on lalung-lalo na sa kanyang 18 na anak.

You read it right, labingwalong lahat ang bilang ng mga anak ng Comedy King.

Ayon kay Eric, nang matuklasan daw ng kanyang ama na meron siyang sakit ay nauna nang pinaghati-hatian ng 18 na anak ang mga naiwan nito.

Dolphy succumbed to COPD or chronic obstructive pulmonary disease.

Bilin ng ama, huwag daw mag-away-away ang mga ito.

Dolphy made sure na parehas ang naging hatian, lahat ay pantay-pantay.

Upon his death, inatasan niya si Eric na magsilbing executor ng mga nalalabi niyang estate.

Isa na rito ang Dolphyville, subdivision sa Calatagan sa Batangas.

Which means, kahit 11 taon nang namayapa ang Hari ng Komedya, ang kinikita ng Dolphyville ay patuloy pa ring napapakinabangan ng kanyang 18 na supling. Ronnie Carrasco III

Previous articleMga Pinoy na illegal na naninirahan sa Egypt, binigyan ng palugit ‘gang March 15 sa pagsasalegal ng status
Next articleHalos P1M shabu nasamsam sa operasyon sa Rizal, Cavite at Naga