Home NATIONWIDE Mga Pinoy na illegal na naninirahan sa Egypt, binigyan ng palugit ‘gang...

Mga Pinoy na illegal na naninirahan sa Egypt, binigyan ng palugit ‘gang March 15 sa pagsasalegal ng status

MANILA, Philippines – Binigyan ng hanggang Marso 15, 2024 ang mga Pinoy na naninirahan nang illegal sa Egypt para gawing lehitimo ang kanilang residency status.

Sa abiso ng Philippine Embassy sa Cairo, pinalawig ng Egyptian government ang grace period sa illegal foreigners sa Egypt ng karagdagang tatlong buwan mula sa orihinal na deadline na Disyembre 15, 2023.

Batay sa Decree No. 3326/2023 na inilabas ni Prime Minister Mostafa Madbouly noong Agosto 2023, ang mga dayuhan na naghahangad ng tourist at non-tourist residence permits sa Egypt ay dapat na magpakita ng ebidensya na bayad na sa lahat ng kaukulang bayarin, katulad ng residency fees, late fines, o residence card issuance.

Sinabi ng embahada na kahit walang official announcements mula sa inamyendahang umiiral na batas, lahat ng Filipino sa Egypt ay dapat na kumuha ng work permits at lisensya mula sa Ministry of Manpower at affiliated offices nito.

Dagdag pa, walang work visa at permit na ibinibigay sa mga dayuhan na nagnanais magtrabaho bilang kasambahay sa Egypt.

Responsibilidad din umano ng mga asawang Egyptian na tulungan ang asawang Pinay at mga anak nito na makakuha ng
Egyptian residence visas, marriage at birth certificates, maging mga ID.

Pinaalalahanan ang mga Pinoy sa Egypt na palaging itago ang kanilang mga pasaporte at hindi ito dapat ibigay sa employer o sponsor. RNT/JGC

Previous articleFirst phase ng LRT-1 Cavite extension, 97% complete na
Next articleMga anak ni Dolphy, sustentado pa rin!