Home METRO First phase ng LRT-1 Cavite extension, 97% complete na

First phase ng LRT-1 Cavite extension, 97% complete na

MANILA, Philippines – Nasa 97% nang kumpleto ang unang phase ng LRT-1 Cavite extension, sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) nitong Miyerkules, Marso 6.

Sa pahayag, sinabi ng LRMC na malapit nang matapos ang limang bagong istasyon ng tren.

Sinabi pa ng consortium na ang Redemptorist Station ay 93.3 percent nang kumpleto, habang ang MIA Station ay 93.5 percent nang tapos.

Samantala, 83% nang taos ang Asia World Station, Ninoy Aquino Station sa 88 percent, at Dr. Santos Station sa 94.1 percent.

Nagsasagawa na rin ang LRMC ng test run sa mga tren ng LRT-1 upang masiguro ang compatibility at kahandaan ng mga ito sa operasyon.

Sa oras na matapos ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1, madurugtungan ng 6.2 kilometro ang kasalukuyang linya.

Ang unang phase ay magkokonekta sa Baclaran Station sa Pasay City patungong Dr. Santos Station sa Paranaque City na makatutulong at magpapabilis sa biyahe ng mahigit 600,000 pasahero araw-araw. RNT/JGC

Previous articleHeat index sa Tuguegarao umabot sa danger level!
Next articleMga Pinoy na illegal na naninirahan sa Egypt, binigyan ng palugit ‘gang March 15 sa pagsasalegal ng status