Home NATIONWIDE Pagbangga ng CCG sa barko ng Pilipinas, kinondena ng US

Pagbangga ng CCG sa barko ng Pilipinas, kinondena ng US

MANILA, Philippines – Kinondena ng Embahada ng Amerika sa Maynila ang nangyaring pagbangga ng barko ng China sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Sa inilabas na pahayag ng Embahada ngayong araw, Marso 6, sinabi na ang insidente ay malinaw na nilabag ng China ang 1982 Law of the Sea Convention at ang Freedom of Navigation.

Mariing kinondena ng embahada ang marahas na hakbang ng China na ikinasugat ng apat na Pinoy at pagkasira ng barko.

Muli namang tiniyak ng Amerika ang pangako nito sa Pilipinas na tutulong sa anumang pag-atake.

Sa ilalim ng 1951 US-Philippine Mutual Defense Treaty, obligado ang dalawang bansa na magtutulungan laban sa anumang pananakop o pag-atake. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagkalap ng titser na may dual citizenship, ikokonsulta ng Senado sa CSC
Next articlePagbabawal sa disposable vape suportado ng DOH