Home NATIONWIDE Pagbabawal sa disposable vape suportado ng DOH

Pagbabawal sa disposable vape suportado ng DOH

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Health (DOH) ang panukala ni Finance secretary Ralph Recto ang pagbabawal ng disposable vape products sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na lahat ng vape products sa pangkalahatan ay nagreresulta sa malaking panganib sa kalusugan, kabilang ang e-cigarette o vaping product use- associated lung injury (EVALI), nicotine addiction at respiratory at cardiovascular disease.

Sa panukalang pagbabawal sa disposable vape, sinasabing karamihan dito ay mga hindi rehistrado sa Department of Trade andf Industry (DTI) at hindi nagbabayad ng excise tax.

Sinabi ni Recto na kung ang mga disposable vape maker ay ganap na sumunod sa mga obligasyon sa buwis, ang presyo ng pagbebenta ng kanilang mga aparato ay hindi dapat bababa sa P3,000 bawat isa.

Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa na hiniling niya sa Philippine National Police (PNP) na tiyaking walang maging access sa vapes ang mga menor de edad na indibidwal.

Nagpahayag din ng pag-aalala si Herbosa sa pagtaas ng paggamit ng vape sa mga kabataan, na binigyang-diin ang panganib sa kalusugan ng nicotine sa mga tao, ito man ay sa pamamagitan ng tabako o e-cigarettes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagbangga ng CCG sa barko ng Pilipinas, kinondena ng US
Next articleDimples, flinex ang anak na piloto!