Home NATIONWIDE Pagkalat ng Nipah virus mula India, mababa – WHO

Pagkalat ng Nipah virus mula India, mababa – WHO

190
0

MANILA, Philippines – Mababa ang panganib ng pagkalat ng nakamamatay na Nipah virus mula India at hindi ito nagrerekomenda ng mga paghihigpit sa paglalakbay o kalakalan.

Ito ay ayon sa World Health Organization (WHO) matapos iulat ang dalawang kaso ng inpeksyon sa bansa.

Gayunpaman, pinaigting ng Hong Kong, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam ang mga screening sa paliparan upang maiwasan ang pagkalat ng virus matapos kumpirmahin ng India ang mga kaso nito.

Sinabi ng WHO na ang panganib ng karagdagang pagkalat mula sa dalawang kasong ito ay mababa, dahil may kakayahan ang India na pigilan ang ganitong mga outbreak.

Wala pang ebidensya ng pagtaas ng human-to-human transmission, ngunit hindi rin nito inaalis ang posibilidad ng karagdagang exposure sa virus, na karaniwang nagmumula sa populasyon ng paniki sa ilang bahagi ng India at kalapit na Bangladesh.

Ang Nipah virus, na dala ng fruit bats at ilang hayop tulad ng baboy, ay nagdudulot ng lagnat at pamamaga ng utak.

May fatality rate ito na 40% hanggang 75% at wala pang lunas, bagamat may mga bakunang kasalukuyang sinusubukan.

Ang virus ay kumakalat mula sa mga kontaminadong paniki o prutas na kanilang nadumihan, ngunit mahirap ang person-to-person transmission dahil nangangailangan ito ng matagalang kontak sa mga infected.

Ayon sa WHO, hindi pa ganap na nauunawaan ang pinagmulan ng impeksyon.

Itinuturing nilang priority pathogen ang Nipah virus dahil sa kawalan ng lisensyadong bakuna o lunas, mataas na fatality rate, at takot na maaaring mag-mutate ito sa mas madaling maipapasa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here