Home ENTERTAINMENT Marian, kinarga ang iguana, hinangaan!

Marian, kinarga ang iguana, hinangaan!

211
0

Cebu, Philippines – Imbitado ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng isang soap brand sa Sinulog Festival parade sa Cebu kamakailan.

Bukod sa sweet moments ng Kapuso couple, agaw-pansin din nang maispatan ni Marian ang may hawak ng iguana.

Dahil sa natuwa, lumapit ang aktres sa handler ng exotic animal at nagpa-picture kasama ang reptile.

Bumaha ng comments ang Instagram fan page, mostly admiring Marian sa pagiging jologs nito.

“Iguana be like. Uwian na, panalo na ko!” sey ng isang netizen na kumuha ng litrato.

Sa comment section, ipinaliwanag ng aktres ang tungkol sa fascination niya sa iguana.

“Naku, sobrang fave ni Sixto ngayon ang mga iguana!”

Kinabiliban naman siya sa pagtangan nito nang hindi man lang natatakot.

“Apaka-cowgirl talaga!”

“Tapang ni Marian–‘di natakot, nagpa-picture pa!”

“Ang cute ni Marian–wala talagang kaarte-arte!”

Naalala pa ng isang netizen ang dati niyang GMA serye, ang Amaya: “Wala talagang takot si Queen, kahit sa ahas na ‘kambal’ niya sa Amaya!”

Mabuti rin daw at hindi naglilihi ang aktres! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here