Home NATIONWIDE Pagkalos sa travel tax, inihirit ng TIEZA na sa 2027 na

Pagkalos sa travel tax, inihirit ng TIEZA na sa 2027 na

166
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa mga mambabatas na ipatupad ang planong pag-alis ng travel tax simula Enero 2027.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, sinabi ni TIEZA chief operating officer Mark Lapid na makabubuting ipagpaliban muna ang implementasyon dahil maaaring magkaroon ng kakulangan sa pondo ang ahensya kung ipatutupad ito ngayong taon.

“If ever the abolition of the travel tax will be pushed through, we’re asking for consideration if the effectivity could start in January,” ani Lapid.

Ipinaliwanag niyang magiging hamon sa pondo ng ahensya kung ipatutupad ito sa kalagitnaan ng 2026.

“‘Yung 2026 budget namin… kung nasa middle, mahihirapan po kami because salaries were 90% based on [travel tax],” dagdag niya.

Bagaman suportado ng TIEZA ang panukalang alisin ang travel tax, hiniling ni Lapid na tiyakin ng Kongreso ang patuloy na pondo para sa mga proyekto sa imprastraktura ng turismo. Maaari rin umanong maapektuhan ang humigit-kumulang 305 empleyado ng ahensya.

Kinilala naman ni Pia Cayetano, chairperson ng komite, ang mga hamon sa panukala.

“Ang challenge on our part is it is a priority measure… Nag-iingat din kami kung ano ang repercussions ng pagpasa nito,” ani Cayetano.

Sa kasalukuyan, naniningil ang pamahalaan ng P1,620 travel tax para sa economy class at P2,700 para sa first-class passengers na umaalis ng bansa. Isa ang panukalang pag-alis ng travel tax sa mga priority measure ng administrasyon ni **Ferdinand Marcos Jr.. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here