MANILA, Philippines – INIIMBESTIGAHAN na ng Commission on Human Rights-National Capital Region (CHR-NCR) ang pagkamatay ng isang 15-anyos na binatilyo matapos bugubugin ng isang kagawad ng Sannguniang Kabataan at ng kanyang kasamahan sa Punta Sta. Ana sa Maynila.
“The CHR-NCR (National Capital Region) has launched a motu proprio (on one’s initiative) investigation to address the matter,” ang sinabi ng Komisyon.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Manila police ang dalawang suspek na nakilala bilang sina SK Kagawad Mark Jhorell Dela Cruz, 18, at kasama nitong si Irineo Cardanio, 23.
Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-9:10 ng gabi ng Oktubre 25, sa F, Manalo St, Brgy. 894 ay kasama ng biktima ang mga kaibigan na nagtungo sa parke para magpicture-picture.
Dito sila ay nilapitan umano ng mga suspek at komprontahin sa hindi pa malamang dahilan na nauwi sa panununtok.
Bumagsak ang biktima sa kalsada at nawalan ng malay kaya dinala sa Sta. Ana Hospital, subalit idineklarang dead on arrival
“Based on reports, the incident was captured on closed-circuit television (CCTV), showing the victim being chased, cornered, and repeatedly beaten, resulting in severe injuries that ultimately led to his death despite immediate medical intervention,” ang sinabi ng CHR na hayagang kinokondena ang insidente.
“The senseless loss of a young life under such circumstances is deeply alarming and raises serious concerns, particularly given that one of the accused perpetrators is an elected official and youth leader in the community,” giit na pahayag ng CHR.
Lumabas na “traumatic head injury” ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima habang ang dalawang suspek ay sinampahan ng kasong murder sa Manila City Prosecutors’ Office.
Samantala, nanawagan naman ang komisyon sa lokal na awtoridad at Philippine National Police (PNP) na “to conduct a thorough and impartial investigation into the incident.”
“Furthermore, we call upon the Department of the Interior and Local Government (DILG) to take cognisance of the elected SK official’s alleged involvement, ensuring that accountability is pursued and due process is observed,” ang paghikayat nito.
Para naman sa CHR, nag-alok ito ng “to extend any possible assistance to the family of the victim in the pursuit of justice.” Kris Jose