Home NATIONWIDE Pagkamatay ng 2 atleta ng Ateneo, tinututukan ng DOJ

Pagkamatay ng 2 atleta ng Ateneo, tinututukan ng DOJ

19
0

MANILA, Philippines – Tinututukan ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang kaso ng pagkamatay ng dalawang student athlete ng Ateneo de Manila University noong June 8.

Pagtitiyak ng DOJ, kanila ring iimbestigahan ang pananagutan at responsibilidad ng mismong pamunuan ng unibersidad sa pagkasawi ng Ateneo Blue Eagles player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Binigyang-diin ni Justice Secretary Frederick Vida na ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga estudyante, obligasyon at responsibilidad nito na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Vida, hindi lamang nakatuon ang imbestigasyon ng justice department sa head coach ng Ateneo basketball team at sa iba pang assiatnt coach kundi maging s a posibleng pagkukulang at kapabayaan ng unibersidad kaya sa pagpili ng lugar kung saan idinaos ang kanilang training.

Nanawagan din ang Kalihim sa publiko na iwasan ang pagiging judgemental kaugnay sa nasabing kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here