MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang malagim na pagkamatay ng 23-anyos na Slovak national na si Michaela Mickova na natagpuan ang bangkay sa isang abandonadong chapel sa Boracay Island.
“I want to assure the public, especially the international community, that this is a very isolated case,” pahayag ni Abalos sa panayam sa kanya ng media sa Tacloban, Leyte, kung saan isinagawa ang ika 9 na campaign rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Giniit ni Abalos na nanatiling ligtas para sa mga turista ang Boracay.
“I just spoke with PNP Regional Director Jack Wanky, and according to police records, this is the first time such an incident has happened to a tourist on the island,” pahayag ni Abalos.
Ani Abalos, naglunsad na ng malawakang imbestigasyon ang Western Visayas Region sa pagkamatay ni Mickova.
Naniniwala naman si Abalos na hindi maapektuhan ang turismo sa Boracay kasunud ng nasabing insidente.
““It’s the first time something like this has happened to a tourist. We do not want this unfortunate incident to overshadow the reality that the Philippines—and Boracay in particular—remains a welcoming and hospitable place for visitors,” ani Abalos.
Tiniyak ni Abalos na agad mareresolba ang nasabing kaso. Gail Mendoza