MANILA, Philippines – Isinusulong ni senatorial candidate Erwin Tulfo na sagutin na ng PhilHealth ang hospital bill ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at pamilya nito.
Ayon kay Tulfo, ang zero hospital bill sa mga OFWs ay nararapat lamang bilang kapalit ng kanilang malaking kontribusyon sa bansa.
“Sobrang laking kabawasan ito sa gastusin ng ating OFWs lalo na yung mga domestic helpers, manual laborer, at yung mga may mababang sahod sa ibang bansa,” ani Tulfo.
Sa ngayon, ilang bahagi lang ng hospital bill ang sagot ng PhilHealth para sa lahat ng miyembro at para sa ilang mga piling sakit lang, kaya hindi naiiwasan ang mga out-of-pocket expenses.
Ayon sa mambabatas, ito ang isa sa mga kahilingan ng mga OFW na nakasalamuha niya nang magtungo siya sa Paris, France noong nakaraang linggo para sa Barrio Fiesta 2025. Gail Mendoza