MANILA, Philippines – Muling iginiit ni senatorial candidate Camille Villar ang pangangailangan ng suporta para sa kabuhayan at pagpapalakas ng imprastruktura sa kampanya ng partido ng administrasyon sa Central Luzon, na sinimulan sa San Jose del Monte (SJDM), Bulacan — isa sa pinakamalaking balwarte ng boto sa rehiyon.
Sa ginanap na press conference at political rally ng administrasyon sa SJDM, binigyang-diin ni Villar ang kanyang pagsuporta sa mga hakbang na naglalayong lumikha ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng imprastruktura at pagsuporta sa maliliit na negosyo.
“Actually, one of the things that I’ve always espoused whether while working in the private sector or in Congress and I hope to continue to espouse are supporting economic growth. And I think dito sa San Jose del Monte, nakikita naman na isa siyang magandang halimbawa ng siyudad na talagang makikita na that is built on support for livelihood or small businesses,” ani Villar.
Ibinigay niyang halimbawa ang proyekto ng MRT-7, na inaasahang magpapabilis ng kaunlaran sa lugar at magbibigay-daan sa mas maraming oportunidad sa trabaho at negosyo.
“Nakikita naman natin with the MRT-7 na pag napaganda natin ‘yong interconnectivity at pag may imprastruktura na dumarating sa isang bayan ay nagkakaroon ng increase in output productivity and increase sa trabaho and dito rin makikita natin sana magkaroon ng murang pabahay at better homes for all of the, sa mga kababayan natin dito sa San Jose (del Monte),” paliwanag ni Villar.
Dagdag pa niya, “So, ito ang isang magandang halimbawa ng development ng siyudad that is purged on economic development so ang gusto natin dito is mas i-prepare ‘yong mga tiga-San Jose del Monte for more jobs, better jobs, better infrastructure and a very good housing program.”
Ang MRT-7 ay may rutang northeast–southwest na nagsisimula sa San Jose del Monte, Bulacan at nagtatapos sa North Triangle Common Station sa North Avenue, Quezon City.
Bago ang press conference ng Alyansa, personal na bumisita si Villar sa Hilagang Caloocan noong Biyernes kung saan nakipag-usap siya sa mga nagtitinda sa Bagong Silang Phase 1 Market at Camarin Market. RNT