MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na ang pagkukumpuni sa San Juanico Bridge sa Visayas ay ‘partially finished.’
Sa pagsasalita ng Pangulo sa isinagawang pag-inspection sa tulay, sinabi nito na “The repair of San Juanico Bridge is partially finished, it will be finished next year.”
Matatandaang, noong Mayo ngayong taon, na ang tulay ay limitado lamang sa three-ton load limit dahil sa matinding pinsala, pangunahing naapektuhan ang superstructure nito. Ang mga pinaka-apektadong bahagi ay kinabibilangan ng ‘roadway slabs, girders, truss members, piers, footings, piles, at bearing pads.’
Winika ng Pangulo na mahigit sa P500 million ang inilaan para sa pagkukumpuni ng San Juanico Bridge.
Matatandaang, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na binibilisan nito ang pagkukumpuni sa San Juanico Bridge upang maitaas ang Load Limit nito sa 12 to 15 tons pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel BONOAN, nais nilang makaabot sa deadline na itinakda ni Pangulong Marcos.
Una nang inihayag ng Pangulo na nais niyang agad na maibalik ang kapasidad ng tulay matapos ipatupad ang tatlong toneladang Load Limit simula noong May 15.
Nagbabala pa si Pangulong Marcos na kapag hindi natapos sa itinakdang panahon ang rehabilitasyon sa tulay ay tatanggapin niya ang resignation ng mga opisyal.
Idinagdag ng punong ehekutibo na mahigit 500 million pesos na ang inilaan para sa repair ng San Juanico Bridge. Kris Jose