Home TOP STORIES Paglagda ni PBBM ng EO No. 94, ebidensya na puksain ang korapsiyon...

Paglagda ni PBBM ng EO No. 94, ebidensya na puksain ang korapsiyon – Rep. Oducado

266
0

Nagpahayag ng kagalakan si House Minority Leader and 1-Tahanan Party-list Rep. Atty. Nathaniel Oducado makaraang bigyan konsiderasyon at pagtutok ng Pangulong Ferdinando “Bongbong” Marcos ang inilatag nitong mungkahi na lagdaan ang Executive Order (EO) 94.

“Ang paglagda ng Pangulong Marcos ng EO No. 94 ay isang matibay na ebidensya na seryoso siya na puksain at lansagin ang korapsyon sa ating bansa. Pagpapakita ito ng pakikinig ng ating Pangulo sa hinaing ng mga ordinaryo na mamamayan na lutasin ang kurapsyon sa gobyerno,” pahayag ni Oducado.

Sa Privilege Speech ni Rep. Oducado nakaraan, minungkahi nito magtatag ng isang indipendiyenteng lupon na magsasagawa ng masusi at seryosong imbestigasyon kaugnay sa malaking eskandalo at nagaganap na katiwalian sa multi-milyon pisong flood control projects.

Ang EO 94 naman ay naglatag na lumikha ng isang Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ang İCİ ay magsisilbing isang fact-finding body na magsasagawa ng malalimang pagsisiyasat hinggil sa nangyayaring korapsiyon, irregularidad at maling pagggamit sa pambansang pondo para sa mga flood control projects ng pamahalaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here