MANILA, Philippines – Iginiit ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na mas malaki sana ang paglago ng ekonomiya kung walang korupsyon sa mga flood control at iba pang infrastructure projects.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance hinggil sa 2026 proposed budget ng DOF, pinuna ni Senador Win Gatchalian na hindi nakamit ng gobyerno ang revenue target sa nakalipas na tatlong taon.
“This explains that in spite of having this level of expenditure, dahil napunta ang parte ng capital outlay doon sa ghost projects or substandard projects, halimbawa sa flood control, ay apektado ang growth natin,” saad ni Recto.





