Home NATIONWIDE Unprogrammed appropriations, kailangan para palakasin calamity funds — Malacañang

Unprogrammed appropriations, kailangan para palakasin calamity funds — Malacañang

368
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ng Malacañang ang kahalagahan ng unprogrammed appropriations (UAs) lalo na sa panahon na paubos na ang calamity funds ng pamahalaan.

Pinawi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pangamba ng ilang mambabatas hinggil sa posibilidad na magamit umano ang UAs bilang “pork barrel” o “magic fund.”

“Sa palagay po at sa tingin ng pamahalaan, lalung-lalo na po ng DBM [Department of Budget and Management], sinasabi po natin, ang budget, lalung-lalo na sa unprogrammed appropriations, ay kinakailangan po — lalung-lalo na po ito,” ayon kay Castro.

“Hindi po ba nagkakaroon tayo ng sinasabi nating pag-deplete ng funds sa NDRRM [National Disaster Risk Reduction and Management] dahil sa maraming nangyayaring kalamidad sa ngayon,” aniya pa.

Ani Castro, ang UAs ay ginagamit lamang kung sakaling maubos na ang ibang funding sources gaya ng Contingent Fund.

Tiniyak naman ng opisyal ang maingat na paggamit ng unprogrammed appropriations, at binigyang-diin na ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin ang ₱6.793-trillion national budget para sa 2026 ay “malinis at malaya sa iregularidad.”

“Kaya po tandaan natin, kahit po ito ay nasa unprogrammed, iingatan po ang budget na ito at hindi naman po agad ito mailalabas para katakutan nila at sabihing magiging pork barrel lamang,” ani Castro.

“Ngayon po, sabi nga natin, ang Pangulo mismo ang nagpapaimbestiga patungkol sa maanomalyang paggamit ng pondo para sa flood control projects. Mas lalo pong pag-iingatan ng Pangulo ang budget na ito para mas maging maayos at hindi malustay ang pera kung saan-saan,” dagdag pa niya.

Tinuran din ni Castro na rerepasuhin ng DBM ang 2026 General Appropriations Bill (GAB) sa oras na maaprubahan ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Muling iginiit nito na ibe-veto ni Pangulong Marcos ang lahat ng may depektong probisyon sa 2026 budget plan.

“Nakausap po natin mismo ang mga taga-DBM. Hihintayin po muna nilang matapos at isang review na lang. At kung meron talagang hindi tutugma, malamang po, ma-veto kung anong dapat ma-veto,” ayon kay Castro.

Ang GAB ay nagiging General Appropriations Act kapag nilagdaan na ng Pangulo bilang batas. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here