Home NATIONWIDE Paglalabas ng 59 kargamento na may smuggled items pinasususpinde ng DA sa...

Paglalabas ng 59 kargamento na may smuggled items pinasususpinde ng DA sa BOC

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes, Hulyo 3, sa Bureau of Customs (BOC) na suspendihin ang paglalabas ng 59 container vans na dinala sa Subic Bay Freeport sa mga pinaghihinalaang smuggling ng agricultural items.

Sa pahayag, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang mga nasitang kargamento ay naglalaman ng mga misdeclared na isda at vegetable items at nakapangalan sa limang trading firms na kasalukuyang sinusuri sa posibleng blacklisting.

“Under the new Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, we can pursue not just consignees, but customs brokers, transporters, sellers, and buyers. Smuggling is no longer a victimless crime — we are going after the entire supply chain,” ani Laurel, na tinukoy ang Republic Act No. 12022.

Ipinaliwanag niya na ang misdeclaration ng agricultural goods bilang processed food ay nagbibigay-daan sa mga ito para malusutan ang regulatory bureaus ng ahensya kabilang ang Bureau of Plant Industry (BPI), at napupunta ang regulasyon nito sa Food and Drug Administration sa ilalim ng Department of Health (DOH).

Sa kabila nito, ang pagkakasamsam ng misdeclared items ay pasok sa hurisdiksyon ng BOC sa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Dahil dito ay sinabi ni Laurel na may pangangailangan para sa multi-agency approach sa pagharang sa mga smuggling attempt sa bansa.

“With unified efforts from the DA, DOH, and DOF, we can protect our farmers and ensure fair trade,” anang opisyal.

Nangako ang DA secretary na gagawa ito ng country-specific risk assessment para sa smuggling, partikular na tinatarget ang illegal imports na karamihan ay galing sa China. RNT/JGC