Home NATIONWIDE Paglalabas ng guidelines sa Pantawid Pasada Program pinamamadali sa LTO

Paglalabas ng guidelines sa Pantawid Pasada Program pinamamadali sa LTO

194
0

MANILA, Philippines – Nanawagan sa Land Transportation Office (LTO) si Albay Rep Raymond Adrian Salceda na agad nang ipalabas ang guidelines para sa Pantawid Pasada Program upang agad na makatulong sa mga pampublikong driver sa harap na rin ng paglobo na sa $100 per barrel ng presyo ng langis sa world market.

“On Feb. 2, way before the Iran Crisis hit, we filed House Resolution (HR) No, 719. The resolution called on LTFRB to release the fuel subsidy guidelines as soon as possible. We anticipated that there will be issues because as early as that time, the US was already saying it will not rule out military measures against Iran,” pahayag ni Salceda.

“Although it was not considered a real possibility then, ayan na nga po. Dumating na” paliwanag nito.

Sinabi ni Salceda na nakasaad sa guidelines kung paano iaavail ang fuel subsidy at aabutin pa ng ilang Linggo o buwan bago ito ipatupad kaya dapat nang madaliin ng LTO.

“Noong panahon po ng TRAIN Law, inabot din ng halos dalawang buwan bago naipamahagi ang Fuel Subsidy Card. So, the sooner we release this, the better,” ani Salceda.

Samantala, pinuri ni Salceda si Pangulong Bongbong Marcos sa naging kautusan nito na tulungan din ang mga magsasaka at mangingisda sa epekto ng mataas na presyo ng langis.

“Meron pong nasa P10 billion sa budget para sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk na maaring ipamahagi. Specific request po ito ng administrasyon sa budget noon, at mapapakinabangan na ngayong taon,” pagtatapos ni Salceda. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here