Home NATIONWIDE Dayong tulak ng illegal na droga tiklo sa Isabela

Dayong tulak ng illegal na droga tiklo sa Isabela

155
0

ANGADANAN, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang mister na dumayo sa pagbebenta ng illegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ay nahuli ng mga tauhan ni PLtCol. Avelino Canceran Jr. ang suspek na kinilalang si alyas “Renz”, 37-anyos, residente ng Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.

Nadakip ang suspek matapos positibong mabentahan ng ilegal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.20 grams na nagkakahalaga ng P1,360 kasama ang buy-bust money na binubuo ng isang tunay na 500 peso bill at isang pekeng 500 peso bill, cellphone, lighter, at sigarilyo.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here