MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Justice (DOJ) ang publiko na magkaisa bilang bansa para malampasan ang kinakaharap na sitwasyon ngayon sa gitna nang nangyayaring giyera sa Gitnang Silangan.
Kasabay nito, umaasa si Justice Secretary Fredderick Vida na panandalian lamang ang pagtaas ng presyo ng langis at gas sa pandaigdigang merkado.
“Let’s move together as a country so that we survive this. Hopefully, this is shorter than that other projections ahve been made,” saad ni Vida.
Samantala, sinabi ni Vida na ipapaalam sa publiko ang final arrangement ukol sa apat na araw na pasok sa trabaho sa ilang executive branch na Ipapatupad alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden