MANILA, Philippines- Nagpalabas ng regulasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal sa paglalangoy, paglalaro, pagtatapon ng basura, o “unnecessary walking” sa tubig-baha upang maiwasan ang pagtaas ng leptospirosis cases, base sa ulat nitong Linggo.
Ang leptospirosis ay isang potensyal na seryosong bacterial disease na maaaring makuha sa pamamagitan ng exposure sa kontaminadong tubig-baha sa pamamagitan ng sugat sa balat, o pagkakalunok ng bacteria direkta mula sa tubig o sa pagkauin.
Nauna nang nagbabala ang Department of Health at mga doktor sa publiko laban sa paglalangoy sa tubig-baha.
Nagpalabas ang San Juan local government ng ordinansang nagpapataw ng parusa sa mga lalabag sa pagbaha.
“Dapat alam niyo na bawal po ang paglalangoy sa tubig-baha at delikado ito para sa inyo,” pahayag ni San Juan Mayor Francis Zamora.
Nagpasa rin ng resolusyon ang Metro Manila Council na humihimok sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magpalabas ng kani-kanilang ordinansa tulad ng San Juan. RNT/SA