Home NATIONWIDE Paglibre sa utang, interes ng mga magsasaka, mangingisda pinasasabatas

Paglibre sa utang, interes ng mga magsasaka, mangingisda pinasasabatas

via Cesar Morales

Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang Senate Bill No. 2979, isang panukalang batas na naglalayong burahin ang mga utang at ipawalang-bisa ang hindi nabayarang interes, multa, at surcharge ng mga magsasaka, mangingisda, at benepisyaryo ng repormang agraryo.

Via Cesar Morales

Saklaw ng panukala ang mga pautang mula sa Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council, Cooperative Development Authority, National Food Authority, at Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation.

Kapag naisabatas, layunin nitong mapagaan ang pasanin ng mga nasa sektor ng agrikultura at tulungan silang makabangon sa kanilang mga utang upang mapanatili ang kanilang kabuhayan. RNT