MANILA, Philippines – Inilahad ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na ang kanyang mataas na tsansa sa pagkapanalo bilang senador sa darating na halalan noong Mayo 12 ang dahilan kung bakit hindi siya lumagda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na kalaunan ay isinangguni sa Senado.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Pebrero 6, ipinaliwanag ni Tulfo na nais niyang mapanatili ang kanyang pagiging patas, lalo na kung siya ay maihahalal at magsisilbing senador-judge sa impeachment trial.
Binigyang-diin niyang susuriin niya nang mabuti ang lahat ng ebidensyang ihaharap sa Senado kung sakaling siya ang huhusga rito.
“As a top contender in the upcoming senatorial elections, I may be among the new senators tasked with judging the said impeachment complaint.”
“When that time comes, I will meticulously examine every piece of evidence presented before the body,” said the deputy majority leader for communications,” dagdag pa ni Tulfo.
Sa kabila ng kanyang desisyon, nanindigan si Tulfo sa kanyang mga adbokasiya para sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, mas mababang presyo ng bilihin, at pagpapabuti ng social welfare para sa mga Pilipino.
Nag-adjourn ang Kongreso noong Miyerkules bilang paghahanda sa midterm elections, at naipadala sa Senado ang impeachment complaint kinagabihan. Hindi muling magtitipon ang mga mambabatas hanggang Hunyo 2, habang magsisimula ang termino ng mga bagong senador sa Hulyo 1.
Bagama’t kinakailangang mag-convene ang Senado bilang impeachment trial court matapos matanggap ang reklamo, hindi pa tiyak kung kailan sisimulan ang proseso. RNT