Home NATIONWIDE Walang impeachment trial habang naka-adjourn ang Kongreso – Escudero

Walang impeachment trial habang naka-adjourn ang Kongreso – Escudero

MANILA, Philippines – Walang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte habang naka-break ang Kongreso, kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero nitong Huwebes.

Sa Kapihan sa Senado forum, ipinaliwanag ni Escudero na hindi maaaring gawin ang impeachment trial habang naka-adjourn ang Kongreso dahil hindi pa naitatatag ang impeachment court.

Aniya, hindi pa naisusumite ang reklamo sa plenaryo, na isang mahalagang hakbang bago kumilos ang Senado bilang impeachment court.

Noong Miyerkules, nag-adjourn ang Senado nang hindi natalakay ang Articles of Impeachment laban kay Duterte.

Bagama’t natanggap ni Senate Secretary Renato Bantug ang dokumento noong 5:49 p.m., hindi ito naiulat sa plenaryo bago matapos ang sesyon bandang 7:00 p.m. RNT