MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na wala ng panahon para magsagawa ng plebisito sa Sulu sakaling maging batas ang panukalang isama ang lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Garcia, kung ito ay itutuloy, hahatiin ng parliyamento ang pito sa magkakaibang distrito ,dahil aniya nilang maging bahagi muling rehyon ang Sulu.
Paliwanag ni Garcia, medyo kumplikado ito at nangangailangan ng mahabang proseso.
Pero tiniyak ni Garcia sa Kapihan sa Manila Bay na susunod sila sa desisyon ng mga mambabatas kaugnay sa panukala.
Sa ngayon, sinabi ni Garcia na may nagaganap na pagdinig sa Senado para sa nasabing panukala na maisama muli sa Sulu at magkakaroon ng plebisito.
“As for us, whatever the decision of the congress will be, we will comply. If that becomes a law, the decision is up to the people,” dagdag ni Garcia.
Noong nakaraang buwan, inihain ni Senador Juan Miguel Zubiri ang Senate Bill No. 2915 na naglalayong isama ang lalawigan ng Sulu sa BARMM.
Kapag naaprubahan, isang plebisito ang isasagawa sa lalawigan upang pagtibayin ang pagsasama nito sa BARMM.
Noong Setyembre 9, 2024, nagpasya ang Korte Suprema (SC) na ibukod ang lalawigan ng Sulu sa BARMM, na pinagtibay noong Nobyembre 2024.
Sa desisyon nito, kinatigan ng mataas na hukuman ang bisa ng Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL) dahil hindi nito ginagawang hiwalay na estado ang BARMM sa Pilipinas.
Bumoto ang Sulu na tanggihan ang ratipikasyon ng BOL sa isang plebisito noong 2019. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)