Home NATIONWIDE Paglilinis ng tone-toneladang basura sa Baclaran river, iniutos ni PBBM

Paglilinis ng tone-toneladang basura sa Baclaran river, iniutos ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghakot sa mga basurang bumara sa Baclaran River at pagpapanatili ng kalinisan ng ilog upang maiwasan ang matinding pagbaha na maaaring idulot nito oras na walang-tigil ulit ang pagbuhos ng ulan.

Sinabi ng Pangulo na nagtutulungan na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) upang malinis ang mala-dagat na basura na umagos sa Baclaran River nitong kasagsagan ng bagyo at habagat

Nagpadala na ng malalaking equipment at karagdagang tauhan ang DPWH at MMDA, katuwang ang ParaƱaque local government, upang mapabilis ang clearing operations at matiyak na tuluy-tuloy ang pagdaloy ng tubig sa ilog. Nasa 16 dump trucks o katumbas ng 285 cubic meters ng basura na ang nahakot ng DPWH simula kagabi.

Nanawagan naman ang Pangulo sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking may sapat at maayos na waste disposal management sa kanilang lugar, habang hinikayat din ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang hindi ito magbara sa mga major waterways at maiwasan ang matinding pagbaha. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here