Home ENTERTAINMENT Paglipat ni Jen sa Kapamilya, fake news!

Paglipat ni Jen sa Kapamilya, fake news!

Manila, Philippines – Kahit ang management office ni Jennylyn Mercado ay napabilib ng litrato ng aktres na kumalat sa social media.

Makikita kasi si Jennylyn na may hawak na pumpon o bouquet ng mga bulaklak sa harap ng tarpaulin na tadtad ng logo ng ABS-CBN.

Bale ba, may kalakip na anunsyo ang nasabing photo confirming the Kapuso actress’ transfer.

Pabitin ding ipinamalita na abangan ang mga detalye kaugnay ng paglipat ng misis ni Dennis Trillo.

Kahit mukhang kapani-paniwala, may pagdududa among the netizens.

Isa sa mga ‘yon ang nag-comment na: “Legit ba ‘yan?”

Still another disbelieving netizen expressed her thoughts by categorically saying na photoshopped lang ang nasabing post.

Para makatiyak, tinawagan ng ilang press members ang talent management office ni Jennylyn, ang Aguila Entertainment.

Mismong ang manager ng aktres na si Jan Enriquez ang nakausap nila.

Maring itinanggi nito ang paglipat ni Jennylyn sa rival network.

Sa katunayan, malapit na raw pumirma ng kontrata ang aktres.

Freelancer kasi ngayon ang status ni Jen but she’s looking forward to renewing her contract with GMA.

Kung ganoong malapit nang magkapirmahan ay kelan ito magaganap?

Sagot nun’g Jan: “Malapit na po!”

Bagama’t tiniyak ng kampo ng aktres na sa GMA pa rin ito mananatili ay hindi naman maiwasan ng management agency nito na bumilib sa “pamemeke” ng larawan ni Jen: “Ang galing nilang mag-edit!” Ronnie Carrasco III