MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Deparment of Transportation (DOTr) na ang launching ng student Beep card na orihinal na itinakda sa Lunes, Sept.15 ay ipinagpaliban.
Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng DOTR na nagpasya ang ahensya na ipagpaliban ang launching dahil kailangan i-recalibrate ang sistema base sa kanilang initial assessment upang masiguro na walang problema sa mga estudyante na nag-a-apply para sa kanilang white beep cards.
Samantala, tiniyak ng DOTr sa mga estudyante na maari nilang ipagpatukiy ang pagavail ng 50% discount sa pamahase sa tren gamit ang single journey tickets.
Ipagpapatuloy ang nasabing launching nito sa Setyembre 20, 2025.
Para sa mga senior citizen at mga taong may kapansanan, maaari nilang patuloy na gamitin ang kanilang mga kasalukuyang puting Beep card para makatanggap ng kalahating porsyentong diskwento. Jocelyn Tabangcura-Domenden