Home NATIONWIDE Suporta kay Romualdez nanatiling buo, mga mambabatas nanindigang walang palitan ng Speaker...

Suporta kay Romualdez nanatiling buo, mga mambabatas nanindigang walang palitan ng Speaker na magaganap

339
0

MANILA, Philippines – Walang pagbabagong magaganap sa liderato ng Kamara at nananatili ang suporta kay House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega.

“There is no change of leadership,” pahayag ni Ortega kung saan nilinaw nito na ang lahat ng political parties ay buo pa rin ang suporta sa pamumuno ni Romualdez.

“As you can see, nagkakaisa po ang House of Representatives. Nandun po lahat ng party leaders, nandun po ang aming Majority Floor Leader [Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos), nandun po si Speaker at mga ibang Deputy Speakers,” pahayag ni Ortega.

Kamakailan ay nagkaroon ng pagtitipon ang mnga lider ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Partido Federal ng Pilipinas (PFP), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at Party-List Foundation Inc. (PCFI) na nagpahayag ng kanilang suporta kay Romualdez.

Itinanggi din ni Ortega ang mga espekulasyon ng hidwaan sa loob ng Kamara.

Una nang kumalat ang usapin hinggil sa mga hakbang para palitan ang liderato ng Kamara. Gayunpaman, ipinunto ni Ortega na walang basehan ang mga usaping ito.

“Well, maraming tsismis pero sabi ko nga, tsismis. Mga bulong-bulong. Pero as you can see, the House is one, the House is solid, and there’s no change in the leadership,” giit nito.

Nang tanungin kung may konkretong tangkang patalsikin ang Speaker, sinabi ni Ortega na bagama’t talamak ang mga usap-usapan, wala namang ebidensyang nagpapatunay na may tunay na hamon. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here