Home NATIONWIDE Pagmumura sa House QuadComm hearing ‘di papayagan

Pagmumura sa House QuadComm hearing ‘di papayagan

155
0
(c) Gail Mendoza

MANILA, Philippines – Sinabi ni House QuadComm lead chairperson Ace Barbers ng Surigao del Norte nitong Miyerkules na hindi niya papayagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsalita ng mga kabastusan sa imbestigasyon ng panel sa madugong drug war.

“We will stick with the QuadComm rules at ipapahayag namin yan. Ang ground rules dito, kasama diyan, [ay] ‘yung hindi pagmumura,” ani Barbers sa reporters.

“Hindi po tatanggapin ang committee na ito ang mga expression na hindi po kaaya-aya sa mga nanonood o sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Barbers.

Personal na nagpakita si Duterte bago ang 11th House QuadComm probe ngayong Miyerkules, na minarkahan ang unang pagkakataon na nagpakita siya sa House panel. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here