Home LIFESTYLE HEALTH Pagpapabakuna kontra tigdas, rubella hinikayat ng WHO, DOH

Pagpapabakuna kontra tigdas, rubella hinikayat ng WHO, DOH

410
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng bakuna kontra tigdas at rubella para sa mga batang Pilipino upang maiwasan ang sakit at posibleng kamatayan.

Kasabay ito ng Ligtas Tigdas supplemental immunization activity ng DOH na nagsimula noong Enero 19 sa Mindanao, na nakabakunahan na ng mahigit 1 milyong bata mula Enero 19 hanggang 25. Target pang mabakunahan ang 1.7 milyong bata sa rehiyon.

“We come together to protect our children and keep our communities safe from measles. Every child who is vaccinated during this campaign will be protected and will also help protect other families and communities around them by preventing the further spread,” ayon kay Dr. Eunyong Ko, WHO country representative.

“Together, we can stop the spread of measles and protect every child from this horrible yet preventable disease,” dagdag niya.

Ayon sa DOH, nakahanda ang mga health workers upang tulungan ang mga batang makakaranas ng bahagyang side effects.

Noong 2025, tumaas ang cases ng tigdas at rubella sa bansa sa 5,123, 32% higit sa 3,880 kaso noong 2024.

Samantala, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na binakunahan ng DOH ang mahigit sa isang milyong bata sa Mindanao sa unang linggo ng kanilang vaccination drive.

“Layunin ng DOH na ilayo ang mga bata sa pahamak na dala ng tigdas at tigdas hangin lalo pa’t maaari itong maging sanhi ng pagkakaospital at kamatayan kung hindi maagapan,” ayon kay Castro.

Ani Castro, ang pagbabakuna sa mga batang may edad na anim hanggang 59 buwang gulang ay magpapatuloy ngayong linggo upang sa gayon ay maabot ang target na 1.7 milyon na ‘administered vaccines’. RNT/MND, KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here