Home METRO 4 bata utas, 3 iba pa kritikal sa salpukan ng traysikel, trak...

4 bata utas, 3 iba pa kritikal sa salpukan ng traysikel, trak sa Isabela

222
0

ISABELA, Philippines – Kumpirmadong patay ang apat na bata habang tatlo ang sugatan makaraang masalpok ang sinasakyan nilang tricycle ng isang truck sa Bypass road na sakop ng Barangay Ambalatungan, Santiago City, Isabela.

Una rito, magkasalungat na binabaybay ng dalawang sasakyan ang daan kung saan patungong Barangay Rizal ang truck na kargado ng semento na minamaneho ng isang 39-anyos lalaki habang papauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga biktima lulan ng tricycle na minamaneho ng isang 17-anyos na binatilyo nang maganap ang malagim na aksidente.

Kasama ng binatilyo ang kaniyang mga kaanak kabilang ang dalawang labing-isang taong gulang na lalaki at babae, isang 10-taong gulang na lalaki, isang walong taong gulang na lalaki, isang 12-taong gulang na babae, at isang 15-taong gulang na lalaki na pawang mga residente ng Santiago City.

Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang binatilyo dahilan upang mapunta ito sa linya ng truck at aksidenteng mabangga.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, warak ang tricycle dahilan upang magtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.

Apat sa mga sakay ng traysikel ang idineklarang patay kabilang ang 11-anyos na lalaki, 11-anyos na babae, 12-anyos na babae, at 15-anyos lalaki habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong iba pa kabilang ang drayber ng traysikel.

Patuloy na iniimbestigasyon ng mga awtoridad ang naturang aksidente na ikinasawi ng apat na bata at ikinasugat ng tatlong iba pa. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here