Home HOME BANNER STORY Pagpapadala ng Pinoy cadets sa Chinese military academy, kinuwestiyon; ipinatitigil ng Senado

Pagpapadala ng Pinoy cadets sa Chinese military academy, kinuwestiyon; ipinatitigil ng Senado

MANILA, Philippines- Lubhang naalarma ang ilang mambabatas sa natuklasang nagpapadala ng Filipino cadets ang Pilipinas sa Chinese military academy sa kabila ng pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa ating barko sa loob ng West Philippine Sea.

Ipinalutang ni Sen. Francis Tolentino ang bagay na ito sa ginanap na pagdinig ng Senado matapos mapansin sa nomination papers sa ginanap na pagdinig ng Commission on Appointments s ilang military officers na nagtapos sa “Beijing military academy.”

Hindi siya sigurado kung tama ang bigkas o pangalan ng paaralan.

“We have stopped accepting cadets from the United States [to the Philippine Military Academy] since 2008. Now we’re sending our cadets, PMA graduates or cadets, to the ‘Beijing military academy,'” ayon kay Tolentino.

“Are we requiring them or encouraging our cadets to study at the ‘Beijing military academy?’ I think this is quite alarming and this is the first time I heard the news from Sen. Tolentino,” giit naman ni Sen. Jinggoy Estrada.

Ayon naman kay Defense Senior Undersecretary Irineo Espino, pinakamataas na defense official na nandoon, na nadinig na niya ang naturang bagay pero kailangan muna nitong suriin kung bakit nagpapadala ng kadete sa China.

“Only CGSC (Command and General Staff Course) and MNSA (Master in National Security Administration) counterparts were availed of by officers of the armed forces. I have to check if there are cadets sent to ‘China academy.’ Wala pa pong confirmation,” aniya.

Sinabi ni Espino na para lamang sa lieutenant colonels at senior officers ang naturang programa.

“This is very alarming…Alam niyo na pala bakit di niyo pa pinatitigil? Sampal ito sa atin, binu-bully tayo ng China,” giit ni Sen. Raffy Tulfo.

Iminungkahi ni Tulfo na dapat nang itigil o putulin ang anumang pakikipag-ugnayan ng bansa sa China sa military exchange sa gitnan ng tensiyon at pambubully nito sa West Philippine Sea.

“Can we put a stop to it, break right away? Marami pa namang ibang academy pwedeng padalhan bakit sa Beijing pa na kung saan they are perceived as enemy just because they’ve been bullying us for a long, long time,” aniya.

Kamakailan, binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang supply ship ng Philippine Coast sa Ayungin Shoal na sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Ernie Reyes