Home NATIONWIDE Pagpapadala ng warning notice sa labis kumonsumo ng tubig inalmahan

Pagpapadala ng warning notice sa labis kumonsumo ng tubig inalmahan

MANILA, Philippines – Inalmahan ng isang consumers group ang banta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na bigyan ng “warning notice” ang water consumers na labis ang paggamit ng tubig.

Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) national President Rodolfo Javellana Jr.,hindi raw makatwiran ang hakbang na ito ng MWSS.

Sa isang press conference, sinabi ni Javellana na kailangan ng water consumer ang mura, abot kaya at 24 oras na sapat na suplay ng tubig.

Anya hindi raw dapat sisihin ng MWSS ang consumers kung tumaas man ang bayarin ng tao sa panahon ng tag-init. Santi Celario