Home HOME BANNER STORY Iligal na aktibidad ng foreign diplomats tatalupan ng NBI

Iligal na aktibidad ng foreign diplomats tatalupan ng NBI

MANILA, Philippines – Pinakilos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang napaulat na iligal na aktibidad ng ilang dayuhang diplomat.

Bumsod ito ng umano ay pagpapalabas ng Chinese Embassy ng transcript at recordings ng pag-uusap sa pagitan ng isang Philippine military official at Chinese diplomat kaugnay sa Ayungin Shoal.

Iginiit ni Remulla na ang diplomatic immunity ay mayroon pa rin limitasyon at kontrolado pa rin batay sa batas ng isang bansa.

“While enjoying the privileges and immunities accorded to foreign diplomats, it is also their duty to respect the laws and regulations of the receiving state.”

Tiniyak ng kalihim Remulla na kung kinakailangan ay gagawa ito ng kaukulang aksyon laban sa mga lumabag na diplomats.

“Diplomatic immunity should never be used as a license to exploit our country’s peace and harmony for selfish motives, this privilege does not shield anyone from the consequences of the Rule of Law,” ani Remulla.

Batay sa Vienna Convention on Diplomatic Relations, ang mga diplomats, empleyado ng mga international organizations at kanilang pamilya ay sakop ng diplomatic immunity sa bansa kung saan sila nananatili.

Gayunman, saklaw lamang ng diplomatic immunity ang paganap nito sa opisyal na tungkulin. Teresa Tavares