Home NATIONWIDE Rebisyon sa RTL: NFA papayagang bumili, magbenta ng bigas sa emergency situation

Rebisyon sa RTL: NFA papayagang bumili, magbenta ng bigas sa emergency situation

MANILA, Philippines – Isa sa probisyon na isinusulong na maaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food sa aamyendahang Rice Tariffication Law (RTL) ay pagpayag sa National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng bigas sa panahon ng emergency.

Sa Committee Report 1068 na ipinalabas ng komite sa ilalim ni panel chairperson Quezon Rep Mark Enverga sinabi nito na kabilang sa emergency situations ang mga sumusunud: kakulangan ng supply, hindi mapigilan na pagtaas ng presyo at extraordinary increase.

Ang Department of Agriculture ang syang magdedetermina at magrerekomenda ng emergency situation sa national price coordinating council o sa local price coordinating council.

Sa oras na maamyendahan ang RTL ay itataas ang taunang annual alokasyon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na mula P10Billion ay gagawing P15 billion.

Nakasaad din sa panukala na ang
tariff revenues sa imported rice na lalagpas sa P15 billion ay gagamitin na para sa rice farmer assistance,
crop insurance program atcrop diversification program.

Una nang sinabi ni Sen Cynthia Villar na tumututol sta pag amyenda ng RTL ay pagbibigay ng dagdag kapangyarihan sa NFA dahil.sa korupsyon sa ahensya.

Subalit sa lanig ni Enverga sinabi nito na walang basehan ang pangamba ng senador.

“I intend to have a discussion on this with my counterpart, Senator Villar. NFA, as it was before, had a monopoly of rice imports, monitoring, and regulation. This [bill on RTL amendments] is a very different scenario because it is only in case of an emergency situation, and importation is the last resort,” paliwanag ni Enverga. Gail Mendoza